11.11.2010

Walang Gagalaw

Kanina lang ay napag-usapan namin (thru text) ng kaibigan ko ang pagiging home-buddy naming dalawa. At hindi yan dahil tina-try naming i-justify ang kawalan namin ng ginagawa ngayon (read: walang trabaho). Naisip lang kasi naming nakaka-bore na.

Actually, ako naman, basta may binabasa o pinapanood masaya na 'ko. At dahil sa mahusay na nag-imbento ng e-books, buhay na buhay at masaya naman ako. Ganon na din sa husay ng movie downloading ngayon.

Pero syempre, hindi naman pagbabasa at panonood ang end-all at be-all ng buhay ko. Hindi dapat. Naisip ko rin, na ang nararamdaman ko naman talaga ay indefinite. Na parang wala lang. Hollow, mababaw, stagnant. Tumatakbo nang walang pupuntahan.

Sabi ko nga sa kanya, parang umiikot na ang buong mundo pero ako (kami) nasa bahay pa rin.

Nakakabaliw, pero totoo. Umaabot pa nga sa puntong nakahiga lang ako at nakatitig sa pader. Nag-iisip ng mga tanong. Idealistic lang ba talaga ko? Tama ba ang mga magulang ko na baka akala ni Lord e kuntento na ko sa buhay ko ngayon kaya ayaw niya na ko munang makahanap ng trabaho?

Kasi kung ganon, I pray to you dear Lord, na 'wag nang patagalin 'to. Kasi pag natapos ko na yung mga binabasa ko (as if namang 'di ako magda-download ng bagong babasahin) baka hindi na ko ma-kuntento sa takbo ng araw-araw ko.

Or come to think of it, hindi naman talaga 'ko kuntento. Kahit naman home-buddy ako, may mga gusto naman akong gawin. May gusto akong marating (hello, Paris). At may gusto akong maging (parang bata lang).

E ewan ko.

Naniniwala naman akong dadating din yun, kung ano man yun. At na malalaman ko naman kung yun na yun. At na hindi naman forever ang kinalalagyan ko ngayon.

So yun na. Hintayin na lang natin. I mean, hintayin ko na lang.

(Syempre tinagalog ko na talaga 'to. Para mababaw lang.)

1 comment: