Nahirapan ako dito ah, in fairness. Dahil hindi naman basta-basta ang pag-alala sa mga pinagdaanan ko bilang estudyante. At isa pa, para lang akong timang na may pa 3-part 3-part series pang nalalaman kung sunud-sunod din naman ang mga entries. Diba?
Anyway, eto na nga, huling part na. At syempre, gaya ng naisip n'yo na, tungkol na 'to sa college life ko. Apat na taon ng buhay ko. Huling apat na taon ko bilang mag-aaral. Kung alam mo lang kung ga'no ko na-excite nung first year college ako. Dahil feeling ko nun, mabilis lang lilipas ang apat na taon.
Kung matapang ako nung high school, masasabi kong mas matapang ako nang pumasok ako ng college. Dahil kung ang high school ay nangangain ng buhay, ang college papatayin ka muna unti-unti bago ka kakainin. Yung ramdam na ramdam mong nahihirapan ka. Para kang tinulak sa bangin at habang nasa ere ka at hinihila ng gravity pababa, alam na alam mo nang masasaktan ka pagbagsak mo.
Kaya kailangan matapang ka. Pero kung tutuusin, wala naman talagang gugulo sa'yo sa college. Yung ibang high school students ng mga prominenteng high school, akala nila may bearing ang pangalan ng eskwelahan nila pagdating nila ng college. Hindi nila alam, tataasan lang sila ng kilay at kung minsan pa "Okay" lang ang isasagot sa kanila. Ibig sabihin, wala silang pakialam sa'yo. Lalo na ang mga professors mo.
Lalo na sa kolehiyong pinasukan ko. Na kahit anak yata ng presidente ng bansa, kapag hindi nagpasa ng paper, INC ang grade. Syempre iniisip ko lang na ganon doon, kasi hindi ko naman ever na-experience na makakilala ng anak ng presidente. Pero palagay ko nga, ganon doon. Kasi mas may reputasyon ang kolehiyong yun kesa kahit kaninong tao.
At dahil daw sa reputasyong yun kaya ginagawang nakakaubos ng brain cells ang mga klase. Ang mga exams. At ang mga exams ng mga klase na isang meeting sa isang buwan lang pumapasok ang prof. Dahil din sa reputasyong yun kaya isinumpa ko nang sobra-sobra ang Math, ang History of Math, ang Slope of X, at ang equation. Sa apat na taon ko sa college, tatlo ang naging Math subject ko at sa lahat ng yun TRES ang grade ko. Yung isa, pinilit ko pang maging tres dahil sabit sa 4 ang original grade ko.
Dahil din sa reputasyong yun kaya naging allergic ako sa blue book (notebook-type ng set of papers kung saan mo isinusulat ang mga sagot mo sa exam). Naging allergic ako sa blue book dahil hindi ako pumapasa sa exam kapag sa blue book ako nagsasagot. Parang isinumpa lang.
Sa college ko rin natutunan ang napakaraming forms of relaxation at pag-aaliw ng sarili lalo na kapag apat na oras ang pagitan ng mga subject mo. At dito ko natutunan ang importansya ng mga kaibigan. Sige nga, ano ang gagawin mo sa loob ng apat na oras kapag mag-isa ka lang? Dahil dyan, higit ano pa man, kaya napakapit ako sa matibay na pagkakaibigan. Naswertehan ko naman na nakilala ko ang lima sa pinakamasasayang tao.
Sila ang pinakamatinong produkto ng college life ko. Sa tingin ko lang yan ha, relative naman ang salitang matino e. Sila kasi yung mga taong hindi nakikipaghabulan sa uno, yung mga masaya na kapag pumapasa at lalong masaya kapag nakakahanap ng mas bagsak pa kesa sa kanila, yung mga hindi kailangan maging "in" dahil may sari-sariling personalidad. Marami silang naituro sa'kin. Minsan iniisip kong mas marami pa 'kong natutunan sa kanila kesa sa professor kong alam lahat ng communication theories.
College din ang nagturo sa'kin na ang araw at ang gabi, kulay lang ng langit ang pinagkaiba. Dahil kung kailangan mo nang magpasa ng thesis kinabukasan at hanggang sa araw bago 'yun ay hindi mo pa rin naiintindihan ang p=0.5 sa statistics mo, ituturing mo talagang araw ang gabi. At kung seryoso ka sa kagustuhan mong grumaduate on time, 24/7 talaga ang gagawin mong trabaho.
Nakakaloka ang college. Totoo yun. Mahirap lampasan ang araw-araw. Mahirap ding lingunin ang mga nalampasan na. Madaming mga nangyari sa'kin noon, pero hindi ko na maalala ang iba. Yung iba, hindi ko na talaga inaalala. Siguro sapat nang sabihin kong ang pinakamalinaw kong naiisip kapag pinag-uusapan ang college ay kung pano ako natutong lumaban noon. Kung paanong nagawa kong hindi masalag ng mga nagtataasang sungay ng mga taong nakapaligid sa'kin. Kung paano kong nagawang takbuhin nang dalawang beses ang oval sa UP Diliman, makapasa lang sa P.E. Kung paanong simpleng lakas na lang ng loob ang minsang nagtatawid sa'kin sa mga speeches, exams, at thesis defense.
Sa college, natuto akong mabuhay mag-isa at mabuhay nang isa sa mga grupo. Simple lang ang college, papasok ka, lalabas.

Ang pagitan lang ng buhay mo sa loob at sa labas ay gate.
"...at lalong masaya kapag nakakahanap ng mas bagsak pa kesa sa kanila..."
ReplyDeleteSOBRA KA! HINDI AKO GANYAN RYO! :))
SOBRA KA! TINAMAAN KA TALAGA FIONA! Hahahaha! Matanda ka na, 'oy. Aminin mo na. :))
ReplyDelete