'Yan muna. Naiimagine ko na kung ga'no kayo kasaya ngayon, kung ga'nong nag-iisip ang mga magulang n'yo na maghanda. At kung ga'no kadalas nilang babanggitin mula ngayon sa lahat ng kakilala nila na pumasa ka ng UPCAT. Aba, UPCAT yata 'yan.
Naiimagine ko 'yan dahil nakita ko na 'yan sa sarili kong mga magulang. Hanggang ngayon, nakikita ko 'yan kapag may nagtatanong sa kanila kung saan ako graduate.
Masaya ang magkaroon ng reputasyong UP lang ang nakakapagbigay. Masarap sa pakiramdam 'yung masabihan ka ng mga taong "ang galing mo naman" o "ang talino mo sigurado". Magaan sa loob na alam mong may magandang direksyong kapupuntahan ang buhay mo.
Naiintindihan ko ang mga pakiramdam na 'yan dahil naramdaman ko din 'yan noon.
May isi-share lang ako ngayon.
Dalawang taon na since I graduated. Alam ko, hindi pa 'yan enough para magkaroon ako ng kredibilidad para pakinggan/basahin pa ang mga susunod kong sasabihin. Pero kahit pa, gusto ko e. Haha! Joke lang.
As I was saying, dalawang taon na mula ng matapos ko ang course ko sa UP Manila. At sa dalawang taong 'yun, maraming beses na pumasok sa isip ko ang mga bagay na natutunan ko mula sa unibersidad. Eto 'yung mga bagay na natutunan ko hindi galing sa mga professor ko o sa mga librong pina-photocopy ko o sa mga website na pinag-research-an ko.
Eto 'yung mga bagay na natutunan ko sa bawat araw na humabol ako ng deadline, na na-late ako sa klase dahil 'di ako nakatulog ng maayos, na kinabahan ako ng bongga sa tuwing papasok ako sa klase ng hindi ko binasa ang readings namin, at sa lahat ng pagkakataong hindi ako nag-aral para sa long at final exams.
Una sa lahat, natutunan kong ang UP ay UP at ikaw ay ikaw (o ako ay ako). Hindi s'ya UP dahil sa'yo at hindi ka ikaw ng dahil sa UP. Ibig sabihin, hindi dahil nasa UP ka, may kakaibang pagkatao ka na. Ikaw pa rin ang parehong tao bago ka pumasok sa UP. Kung magbabago ka man, sa ugali 'yun, sa mga pananaw, at sa mga bagong kaalaman. Pero mapapansin mo, kung ano naman ang mga pinaniniwalaan mo at kung ano ka bago ka mag-UP, 'yun ka pa rin hanggang umalis ka.
Dahil pangalawa, ang ituturo sa'yo ng UP ay paninindigan. Ituturo n'ya sa'yo na hindi laging sumabay sa agos. Na matutong tumaliwas kapag alam mong hindi naman sunod sa paniniwala mo ang gustong mangyari ng mga tao sa paligid mo. At na hindi dahil ginagawa ng lahat, gagawin mo na rin. (At na panindigan sa prof mong nakapagbasa ka ng notes n'ya kahit hindi naman talaga. Haha!)
Pangatlo, ang talino at galing ay hindi lang nasusukat sa kung saan ka nag-aaral. Oo nga at may reputasyong matalino at magaling ang mga nasa UP. Pero hindi ibig sabihin nun na magaling ka at matalino ka kaya ka napasok sa unibersidad. Minsan, ma-swerte ka lang din. And you'll be surprised to know just how the students from the other schools can be better than you.
Kaya pang-apat, matuto kang patuloy na paghusayin ang sarili mo. Hindi naman natatapos sa pagpasok mo sa unibersidad ang pagiging magaling mo. Kaya ka nga mag-aaral pa diba. You don't take for granted the fact na nakapasok ka sa UP, dahil alam na alam mong hindi lahat nabibigyan ng ganyang chance. Develop yourself further. Lagi mong sabihin sa sarili mong gusto mo pang maging mas mahusay. At pakinggan mo lahat ng taong tumutulong sa'yo.
At pang-lima, huwag mo lang basta panghawakan na taga-UP ka. Ipagmalaki mo, sige lang. Siguro naman pinagsumikapan mo 'yan. Pero patunayan mo din na karapat-dapat kang humawak ng ganyang pribilehiyo. Bakit mo ba kailangang patunayan 'yan? Dahil pagdating ng panahong wala ka na sa unibersidad, matututunan mong lahat pala ng tao sa paligid mo, may hinihintay, ine-expect galing sa'yo. At kahit anong sabi mo sa sarili mong hindi mo sila dapat na intindihin, kasama pa rin sila sa ikot ng mundo mo at alam mong one way or another, kailangan mong ipakita sa kanila na kaya mo.
Lahat 'yan, based on experience. Maniwala ka. Pero hindi ko naman sinasabing maging pamantayan mo 'to. Ang sinasabi ko lang, maging bukas sana ang isipan mo, pang-conyo man yan o pang-simpleng mamamayan lang.
Again, congratulations.
Paghusayan mo, Iskolar ng Bayan.
Laban lang.
Idol!
ReplyDeleteAgree agree!!
Naiinspire tuloy ako gumawa ng post about UP. Hehe. And if i remember it correctly, sa blog mo na to nakapost yung isa mo pang entry about UP. :)
Galing mo talaga idol!! :)
Grabe lang! Haha! Masaya kayang gumawa ng posts about UP. Ahm, oo, pero yung isa mas about sya sa college life and learnings ko. Hahahaha.
ReplyDelete