12.31.2010

Bago matapos ang 2010. . .

December 31 na! Ang araw na madalas nang nakakalimutan ng mga tao kaka-prepare para sa pagsalubong sa Bagong Taon. Well, ako rin e. Kung hindi ko sinusulat ang blogpost na 'to ngayon hindi ko rin naman maaalala.

Pero hindi 'yan ang point ko.

Ang point ko, December 31 na. Bukas, January 1 na. Bukas, 2011 na. May something nostalgic na epekto ang pag-iisip na paggising mo kinabukasan, bago na naman ang lahat. Bagong paghihintay para sa Pasko (358 days to go!). Bagong pagsubok na maging mas "mabuting tao" (kahit na wala naman talagang definition pa ang mga salitang 'yun). Bagong mga araw na iiyakan, tatawanan, ikakagalit. Mga posibleng araw na may mangyayaring life-changing. Mga posible ring araw na tutungangaan mo lang.

Kung titingnang mabuti, ganyan din naman ang nagdaang taon. Ako, ganyan lang din naman. Siguro next year may trabaho na 'ko (well, DAPAT!), so siguro hindi na mauubos ang araw ko kakabasa, kakanood, kakatunganga. Siguro next year din may ibang mga assignment na ang kapatid ko na gagawin namin hanggang magmadaling-araw. Siguro din next year, may mga bagong taong (as in new people) papasok sa buhay ko at may mga lumang taong (as in old people) aalis. Siguro naman next year, magbabago na ang buhay ko.

Pero kung susumahin, hindi naman talaga masyadong masama ang last year ko. Aba, naka-graduate ako 'no. Natapos ko ang napaka-baku-bakong daan ng thesis writing. Naakyat ko ang stage kung saan naghihintay si Dean Imperial na kamayan ako at sabihan ng Congratulations.

Last year din, nagkatrabaho ako. Marami naman akong natutunan dun, gaya ng pag-order sa fastfood kapag wala kang lunch sa opisinang malayo sa sibilisasyon ng restaurants at pakikipagbakbakan sa mga taong gustong makita nang malapitan si John Pratts.

Ngunit last year din, nawalan ako ng trabaho. Hindi naman nawalan, nagpakawala. Pero natutunan ko dun sa ginawa kong 'yun ang pagkakaiba ng trabaho at kawanggawa. Haha!

Na-enhance ko din ang vocabulary ko at knowledge sa film at cinematography. Dahil 'yan sa mga binasa kong novels at pinanood na pelikula. Thank you Lord nga pala, sa Internet, sa 4shared.com, at sa Vuze downloader.

Natutunan ko ring pahalagahan ang mga taong laging nakakaalala sa'kin. Katulad ng mga kaibigan ko na bigla-bigla na lang nagtetext at tumatawag na namimiss na nila 'ko. Katulad ng mga magulang ko na, so far, hindi naman ipinipilit na magtrabaho na 'ko (sumuko na siguro) at bukal sa loob pa rin akong inaabutan ng pera kapag kailangan ko.

Mababaw lang ang naging 2010 ko, di katulad ng kay Charice na nakalabas sa Glee o ng kay Manny Pacquiao na nadagdagan ang boxing belt at boxing millions o ng kay Noynoy Aquino na naging bagong presidente ng Pilipinas.

Mababaw, pero masaya naman.

Sana sa 2011, magkaroon ng mga dagdag na kababawan, dagdag na kasiyahan, at kung papalarin (na inaasahan ko, partly dahil sabi ni Zenaida Seva), dagdag na kabuluhan.

Eto na ang year-ender post ko. Hindi ako makaisip ng realistic na New Year's Resolution e. Manigong bagong taon!

Happy 2011!

Good luck at God bless sa'ting lahat!

No comments:

Post a Comment