(Part 1)
Pero eto nga, binabasa ko ang ABNKKBSNPLAKo?! At hindi ko naman intensyon pero naka-relate ako sa maraming kwento ni Bob Ong, sa mga sentimyento n'ya, at sa mga reklamo n'ya tungkol sa elementary life na nadagdagan pa nung nag-high school sya. (Teka, hindi kami magka-edad ni Bob Ong ha!)
Ayun nga, naalala ko tuloy ang mga kalokohan ko nung elementary ako, kung anong buhay ko noon, kung ga'no ako kababaw, at kung ga'no ka-nakakatawa ang pag-iisip ko noon. Eto ang mga naaalala ko pa.
Nung bata kasi ako, simula Grade 2, nagbi-byahe na kaming pamilya mula Cavite hanggang Manila. Kaming magkakapatid sa Manila nag-aaral, dun din nagtatrabaho ang mga magulang ko. Okay lang naman sa'min yun. Kaya lang dapat siguradong lahat ng kailangan namin--lalo na uniform, sapatos, at medyas--e kumpleto. May isang beses, brownout sa bahay namin ng madaling-araw bago kami umalis. Alam mo ba na ang neon green kapag nasa dilim, nagkukulay-puti? Alam ko na yun nung Grade 2 pa lang ako.
Kasi yung tatay ko, ang binaon n'yang medyas para sa'kin, neon green. Akala n'ya daw kasi puti. At ang sapatos ko nun, doll shoes. Tipong kitang-kita na ang medyas mo e neon green. At ang paliwanag ko sa teacher ko, hindi natapos-tapos. Muntik pa 'kong mapa-principal nun kasi bawal ang colored socks. Pero pinaliwanag naman ng lola ko sa teacher ko kaya okay na. Pero nakakahiya talaga. Imagine-in mo, kapag hinanap mo 'ko nung mga panahong 'yun, yumuko ka lang at kapag may nakita kang neon green na medyas, ako 'yun.
Nun ding nasa elementary ako, kilala akong palaban na bata. Tipong 'wag kang haharang sa daanan ko kung gusto mong tahimik ang buhay mo.
Nung Grade 3 ako, may naging seatmate ako na ubod talaga ng taray. Uso nun yung exchange books kapag magche-check na ng seatwork, para daw 'di mangdaya (kahit yung iba, nagkukuntsabahan lang: itama mo ang mali ko, itatama ko ang mali mo, perfect tayong dalawa).
So libro n'ya ang chine-checkan ko. E nagalit s'ya kasi ang liliit ko daw maglagay ng check marks. Aba, sa inis ko, nilagyan ko ng malaking diagonal check ang buong page ng libro n'ya. At sa lalong inis ko, bumakat yun hanggang mga ten pages after--butas diagonally ang libro n'ya. S'ya ang kauna-unahang batang napaiyak ko.
Ang sumunod kong napaiyak ay kaklase ko rin, nung Grade 4 ako. May bata kasing natuwa sa plastic envelope kong de-zip lock at may design na Barbie. Pinagpasa-pasahan nila 'yun para tingnan. Hanggang may isa pang batang naglagay nung envelope sa taas ng blackboard. Aba, napakataas nun!
Tapos may nagmarunong, binato n'ya ng sapatos. E nahulog sa likod ng blackboard na may isang sako ata ng alikabok. Pagbalik sa'kin ng envelope ko, ang dumi-dumi. Inis na inis ako, sabi ko wag s'yang lalapit sa'kin at masasampal ko s'ya. Nainis s'ya sa sinabi ko, lumapit s'ya sa'kin at hinamon ako. Sinampal ko nga s'ya. Umiyak s'ya at nagsumbong sa ate n'yang Grade 6. Dapat ata natakot ako nun, kasi malaking tao yung ate n'ya. Ang nagawa ko lang, matawa. Ewan ko ba. Hindi naman ako inaway nung ate n'ya, tinanong lang ako bakit ko ginawa. Sabi ko, nanindigan lang ako. Simula nun, hanggang mag-high school kami, hindi nakalimutan ng classmate kong yun na sinampal ko s'ya dahil nagka-kulay itim ang mukha ni Barbie sa envelope ko.
May mga pagkakataon din namang ako ang mangiyak-ngiyak. Tulad kapag Intramurals season na. Dati kasi, lahat ng primary students (Grade 1-3), dapat sumayaw. Di lang basta sayaw, sayaw with costume, with partner, with practice. Yung klase ng practice na sa school grounds n'yo gagawin dahil lahat ng section kasali. Yung klase ng practice na kapag umabot ng recess time ng high school, papanoorin nila kayo at tatawanan dahil "ang cute" n'yo daw.
Nung Grade 1 ako, Macarena ang tugtog, ang damit katulad ng kay Juanita Banana--midriff at palda na ruffled pa. Tapos may marakas pang gagamitin. Nung Grade 2 naman, I'm a Barbie girl in a Barbie world ang ginamit nila (kung ano mang title ng kantang 'yun). Ang damit: orange na haltered top, polka dots na palda, orange na knee-high socks, puting rubber shoes. May pompoms pa at pigtails na kasama 'yan. Nung Grade 3, ethnic dance naman. Dayang-dayang. Tights and leotards na black, may maroon na checkered na paldang-tapi lang, at dalawang gold na pamaypay
Nako talaga, sa t'wing sasapit ang November nun, dinadasal ko kay Lord na magkasakit ako nang malubha. Yung one week akong aabsent. Kaso, grade ko naman sa PE ang nakasalalay, at maski nung bata pa 'ko, PE pa sa lahat ng subject ang nagiging problema ko kung pano ko ipapasa.
Naiiyak din ako kapag Math subject na. Na nung Grade 2 ako, itinuro ng isang teacher na kapag nagkamali ka isisigaw n'yang talagang mali ka at aabot hanggang sa kabilang section ang katotohanang nagkamali ka. Tapos ipapaulit n'ya sa'yo nang ipapaulit hanggang 'di ka tumatama. Isa lang ang pagkakataon na nasigawan n'ya ko pero simula nun tumatak sa utak kong tanga ako sa Math.
Nung Grade 4 naman ako, pinagrecite kami ng Multiplication Table. Isang set bawat bata, bawal ang magbilang ng mano-mano (9! 18! 27!--28, 29, 30, 31, 32, 33, 34, 35--36!. . . ). Ayokong-ayokong matawag nun. Kaso, malas, dahil lahat tatawagin talaga. At ang napunta sa'kin? Ang walang pattern, walang rhythm, at walang kadali-daling Multiples of 8! Ang pinakamahirap na Multiplication Table! Sa t'wing magkakabisa pa naman ako ng multiplication tables dati, lagi kong nilalagpasan ang multiples of 8 kasi nga ang hirap.

Kung bakit nung araw na 'yun 'di na lang by 10s ang nakuha ko kagaya ng sa isa kong kaklase na ngingisi-ngisi pa habang nagrerecite s'ya dahil sigurado na s'yang 100% ang grade n'ya sa recitation (nung elementary, posible ang 100%). Ang ginawa ko na lang, nilagay ko sa bulsa ng palda ko ang isa kong kamay at habang nirerecite ko nang paunti-unti, nagbibilang ako sa kamay. Awa ng Diyos, umabot ako hanggang dulo na ang binilang ko lang sa kamay--kasabay ng butil-butil na pawis dahil gusto kong maka-100%--ay ang 8 x 4, 8 x 7, at 8 x 9.
Nakakaloka ang elementary. Napaka. Siguro ikaw may mas magandang elementary memories. Pero aminin mo, mababaw talaga ang mga kaligayahan nun. At yung mga kahihiyan, awayan, at kalungkutan, hindi mo talaga makalimutan. At parang di ganoon kababaw. Hay.
Madami pa, at madami pa talaga, ang mga naalala ko. Pero sige, tatapusin ko muna ang libro bago ko i-share ang iba. Sa susunod ulit.

Hgayon, di na talaga maitatanggi na bahagi ng pagkabata natin si Barbie. Talagang ipinaglaban mo sya! :)
ReplyDeleteTama! Hahaha. Well, partly. Nanindigan lang talaga 'ko. :)
ReplyDeleteROFL!!! :D Ryo-ng ryo!!!
ReplyDeleteHAHAHA. I got the same thought din nung sinusulat ko 'yan. Parang wala akong pinagbago. :))
ReplyDelete